Archive for September, 2007

Samu’t Sari

Saturday, September 15th, 2007

Waiting

Malansa talaga siya. Pero masarap din naman lalo na kung may kasamang oyster sauce. At kung may maaring matutunan sa pagkain ng sugpo, ito ay ang pagkain nang mabagal upang matunaw ang kinain.

-o-

At eto pa ang isang malansa pero masarap din namang kainin lalo na kapag inihaw - tilapya. Minsan nagtataka lang ako kung bakit wala silang masyadong taba. Tinanong ko ang nanay ko kung bakit pero di siya sumagot. Tapos bigla ko na lang nasabi na siguro ay dahil may swimming exercise sila lagi. Medyo natawa ang nanay ko. Pero sa loob-loob siguro niya sabi, “Ang corny mo ha!”

-o-

Kung may lantarang mapapansin na paradigm shift sa panahon ngayon, ito ay ang pagturing ng mga tao sa monay bilang bagong pandesal. O sadyang masarap lang talaga ang monay ng isang bakery sa may bandang Makati.

-o-

Minsan, wala nga namang magawa sa MRT kundi ang mag-isip. Sa bandang Boni kung galing ka ng North, may mapapansin kang billboard ng Goldilocks kung saan sina Kris at James yung mga tauhan sa larawan. May punchline kang makikita dun na nagsasabing, “Kay sarap magmahal ng Pinoy.” Tingin ko magaling yung pumili ng punchline na yun dahil parang may dalawa siyang kahulugan kapag pinakikinggan mo. Sa isang banda, maaari nitong ipinapahiwatig na kay sarap magmahal kung ang pinagbubuhusan mo ng pagmamahal mo ay isang Pinoy. Sa kabilang dako naman, parang sinasabi rin na ang ganda ng buhay kapag ang nagmamahal sa iyo ay isang Pinoy.

-o-

At totoo nga namang ok lang maghintay basta huwag lang dalawang oras at basta may sundae cone siguro.

Blink

Monday, September 3rd, 2007

Sleep051206_450x395

Your eyelids.
We move ours up and down.
Blinking, we call it.
It’s like a small black shutter that clicks down
and makes a break.
Everything goes black; one’s eyes are moistened.
You can’t imagine how restful, refreshing, it is.
Four thousand little rests per hour.
Four thousand little respites–just think!…
So that’s the idea. I’m to live without eyelids.
Don’t act the fool, you know what I mean.
No eyelids, no sleep; it follows, doesn’t it?
I shall never sleep again.
- Valet, Huis Clos

“Kung maaring lang sanang ipunin ang isang libong kurap para maging isang tulog.”