Archive for August, 2007

Apple vs. Dell

Tuesday, August 14th, 2007

Our life is frittered away by detail… Simplify, simplify.
- Henry Thoreau

Reality

I guess oftentimes the key is simplicity.

Word of the Day - Mani

Wednesday, August 8th, 2007

Minsan kung saan-saan lang lumulusot ang usapan sa buong mag-araw. Lalo na kapag nagsimula ang araw sa bagyo tapos nasundan siya ng maning may halong lasa ng alat, tamis at anghang.

9:30 AM
Nagdala si Bogdan ng masarap na mani at nagsimula ang lahat nang nagtanong siya.

Bog: Gusto mong tikman yung mani ko?

Matahimik naman pagkatapos nun. Maliban lang sa pagsabi ng isa na masarap yung mani lalo na kapag may beer. Saka lang umingay ang lahat nang paubos na ang mani sa hapon.

3:00 PM. Napunta ang usapan sa….
Siel: …Usapang mani.

Vando: Ah vagina monologues, yun ba tagalog nun?

Ann: Hinde. Usapang p*kp*k!

3:15 PM. Yosi break at may naiinterview sa may conference room. Palabas ang lahat na nakapila sa electronic door.

Rall: Siguro iniisip ng interviewee na baka may flag ceremony sa pagpipila natin.

3:30 PM. Dulot siguro ng mani, naikuwento ni Rall.

Rall: Nung bata ako gusto kong maging ob gyne.

3:40 PM. Sa elevator nung pabalik sa stations.

Rall: Ano ba yung vagina monologues?

Ann 2: Theatrical show yun.

Vando: Oo. Maganda.

Mig (sa isip niya): Hhmm. Alin kaya dun ang maganda? Yung theater show or non-theater show?

3:45 PM. May announcement.

Yan: May announcement! Pwede nang umuwi ng 4:00.

Rall: Akala ko may mani.

Tapos nasabi na baka naman magfoforce leave pa sa announcement.

Mig: Forced leave? Wala na akong natirang leaves.

Tas sumingit si Ann…

Ann: Sabi ni Mely binabaha daw sila.

Ann: Pero nasa 18th floor siya.

At may announcement uli…

Tris: File na kayo ng OB nyo.

Rall: Ober sa Baha.

Vando: ob gyne?

Haay…. Kung hindi lang sana naubos yung mani. O kung hindi lang sana nagdala si Bogdan. O kung hindi sana bumagyo.

Wala itong post na ito.